Linggo, Hunyo 14, 2015

Paraan



PARAAN

Namulatang ganito
Namulat sa paliko
Mamulat sa matino
Sumambulat nang patago

Umiwas mabigo
Sa taliwas nagtungo
Sa totoo sumuko
Sa bulaan humango

Tumiwarik sa paglaki
‘di nakabalik pauwi
Sa mapang-aliw nawili
Iniyakan ang pili

Sumunod sa nakita
Naglaho ang tiwala
Matang walang makita
Katuparan bawat kita

Panganib ‘di alintana
Nag-ipon ng sandata
Uhaw sa kalinga
Nangarap ng sagana

Paraang minana
Dulot ma'y pagdurusa
Palitan ay tsaka na
Sakaling tama pala

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento